Nadagdagan pa ng 205 ang nahawaan ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa bansa, ayon sa pahayag ng Department of Health (DOH) nitong Linggo.
Dahil sa pagkakadagdagng nasabing bilang ng kaso, umabot na sa 13,660 ang active cases sa bansa.
Umakyat na rin sa 3,684,500 ang kabuuang kaso ng sakit sa Pilipinas nitong Abril 24.
Naitala rin ng ahensya ang total recoveries na 3,610,658 habang lumobo naman sa 60,182 ang bilang ng binawian ng buhay.
Tatlong rehiyon naman sa Luzon ang naitala ng DOH na may mataas na kaso ng sakit sa nakalipas na dalawang linggo, Kabilang dito angNational Capital Region (NCR) na nakapagtala ng 982 na kaso, Calabarzon (405), at Central Luzon (262).
Sa kabila naman ng patuloy na pagbaba ng kaso, pinayuhan pa rin ng DOH ang publiko na pairalin pa rin ang safety at health protocols upang hindi na magkaroon pa ng malawakang hawaan ng sakit.