Hinimok ni National Task Force (NTF) against Covid-19 special adviser Dr. Teodoro “Ted” Herbosa, Dr. Teodoro “Ted” Herbosa, noong Linggo, Abril 24, ang mga local government units (LGUs) sa buong bansa na “isantabi” ang mga kampanya para sa botohan sa Mayo at unahin ang mga pagbabakuna laban sa Covid-19.

“Meron na tayong iilang mga lokal na pamahalaan na nag-umpisa na nitong house-to-house [vaccinations]. ‘Yan ang sama ng loob ng NTF, [dahil] mukhang ‘yung mga [ibang] LGUs ay nagco-concentrate sa kampanya. Isantabi natin ‘yon at siguraduhin na maimplement at maitaas ang antas ng mga binabakunahan,” ani Herbosa sa isang panayam sa DZRH.

Bago ang kampanya, nakapagbigay ang bansa ng kalahating milyon hanggang 1 milyong dosis kada araw sa buong Pilipinas. Ang bilang ay bumaba sa mahigit 200,000 ngayon na nagsimula na ang mga kampanya, ani Herbosa.

Samantala, pinasalamatan ng eksperto ang mga LGU na nagpapatupad ng iba't ibang programa para mahikayat ang mga Pilipino na magpabakuna at kasabay nito ay maabot ang mga nasa geographically-isolated areas.

Ipinakita ng National Covid-19 Vaccination Dashboard ng Department of Health (DOH) na noong Abril 18, 12,970,445 na indibidwal pa lamang ang nakapatanggap ng booster laban sa sakit habang 66,990,999 na Pilipino ang nakakumpleto na ng kanilang pangunahing dosis.

Charlie Mae F. Abarca