Maraming kakampinks ang nasorpresa nang i-endorso ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo ang kandidatura ni Vice President Leni Robredo sa pagka-pangulo.
Sa isang video na inilabas sa Facebook page ni Vice President Leni Robredo, mapapanuod ang pormal na pag-eendorsong aktres sa bise presidente.
"Kapag siya ang naging Pangulo, ang mga plano at pangarap nating maayos na bansa at magandang buhay para sa lahat ng Pilipino magiging posible, magiging totoo," ayon kay Kathryn.
"Kaya ako, anong plano ko? Ang plano ko sa May 9 gawing pangulo si Leni Robredo. Sana kayo rin. Leni Robredo, siya ang totoo," dagdag pa niya.
Ito ang ikalawang pagkakataon na sinuportahan ni Kathryn si Robredo dahil noong 2016, sinuportahan niya ang vice presidential bid nito.
Nauna nang nagpahayag ng suporta ang kanyang ina na si Min Bernardo. Katunayan, umattend pa nga ito sa Pasig Grand Rally noong Marso 20, 2022.
“Glad to have witnessed the massive support in Pasig. Grabe ang mga tao. Andito ang all walks of life, matanda, bata, babae, lalaki, LGBTQ, aso, pusa, lahat tumitindig para kay Leni, para sa kinabukasan ng mga bata, para sa bansa,” saad ni Min.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/21/ina-ni-kathryn-bernardo-nagpunta-sa-campaign-rally-leni-kiko-sa-pasig/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/03/21/ina-ni-kathryn-bernardo-nagpunta-sa-campaign-rally-leni-kiko-sa-pasig/