Hindi pinalagpas ng komedyante, TV host, at impersonator na si Jervi Li o mas kilala sa tawag na 'KaladKaren Davila' ang isang basher na bumanat sa kaniya at nagsabing huwag daw sanang palitan ng kulay pink, na mga tagasuporta ng Leni-Kiko tandem, ang bandera o bandila ng Pilipinas.
Ibinahagi kasi ni KaladKaren sa kaniyang social media accounts ang pagsasama-sama nilang mga celebrity Kakampinks na bahagi ng LGBTQIA+ community, sa naganap na Pasay sortie, na kaarawan pa ni presidential candidate at Vice President Leni Robredo.
"Bahaghari at Rosas. 🌷🌈 Ang sarap sa pakiramdam na makasama kayong lahat sa labang ito. Ang dasal namin, pantay- pantay na karapatan para sa lahat," ani KaladKaren.
Kalakip nito ang mga litrato ng celebrity Kakampinks na
Pero syempre, ang highlight, ay ang paglabas ni Unkabogable Star Vice Ganda.
Kasama rin niya sa litrato sina Andrea Brillantes at Angel Locsin.
May isang basher naman na biglang humirit sa comment section ng kaniyang post.
"Sana naman wag n'yo palitan ng kulay pink ang bandera ng Pilipinas," komento ng naturang netizen.
Hindi ito nagustuhan ni KaladKaren at agad na nagkomento.
"Luh ate… are you okay? Nakainom ka ba?" sarkastikong tanong ni KaladKaren.
Sinuportahan naman ng mga netizen si KaladKaren at inurirat din ang naturang basher. Hindi na ito tumugon o nagpaliwanag pa.