Isa sa mga grand reveal na Kakampink ang tinaguriang 'Silent Superstar' na si Kapamilya actress Jodi Sta. Maria, kahit na ang dati niyang biyenan at ang lolo ng kaniyang anak ay si presidential candidate at Senador Panfilo 'Ping' Lacson.

Makikita sa kaniyang latest tweet nitong Abril 23 ang kaniyang cryptic post sa Twitter hinggil sa pagiging Kakampink. Mula ito sa pamosong pahayag niya mula sa karakter ni Dra. Jill Ilustre sa 'The Broken Marriage Vow', na Pinoy adaptation ng 'Doctor Foster' (The World of the Married sa South Korea).

"Papunta pa lang tayo sa exciting part 😉💕🌸🌸💕😉," saad ni Jodi.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

https://twitter.com/JodiStaMaria/status/1517824329295097859

Umani naman ito ng iba't ibang reaksyon at komento mula sa mga netizen. May mga napatanong kung bakit hindi si Senator Ping lacson ang pinili nitong suportahan, na kaniyang dating father-in-law.

"Amor Powers, Claudia Salameda-Buenavista, Ynamorata Macaspac Angelo Barcial, and Lía Buenavista… all for LENI!"

"Omg!!! Akala ko kay Sen. Ping si Jodi kasi nga father-in-law nya, but I was wrong!!! Go, Jodi aka Jill!!!"

"True ito? di sya boboto sa former fader in law?"

"Well me choice siya and she chose wisely."

Ikinasal si Jodi sa anak ni Senator Ping na si Panfilo 'Pampi' Lacson Jr., noong 2005 sa Las Vegas. Naghiwalay sila noong Marso 2011 matapos mag-file ng "petition for the declaration of nullity of marriage" sa Regional Trial Court sa grounds na psychological incapacity, subalit ibinasura ito ng Court of Appeals noong 2016. Sila ay nagkaroon ng anak na pinangalanang Panfilo 'Thirdy' Lacson III.

Samantala, wala pang tugon, reaksyon, o pahayag si Jodi tungkol sa mga tanong ng netizens kung bakit ang dating biyenan at lolo ng kaniyang anak na si Thirdy ang sinusuportahan niyang kandidato sa pagkapangulo.