Pabirong sinabi ni UniTeam senatorial candidate Harry Roque sa Kapuso Actress na si Ai-Ai delas Alas na hindi nagkamali sa sinamahang grupo ang aktres kaya't hindi mawawala umano ang prangkisa nito.

"Kakaiba po ang meeting natin ngayon kasi sa kauna-unahang panahon mayroon tayong bagong host. Noong una ko siyang nakita, ang sabi ko "bakit naging mas maganda pa si Toni G." 'Yon pala siya si Ai-Ai delas Alas!" saad ni Roque sa naganap na UniTeam Grand Rally sa Maynila nitong Sabado, Abril 23.

"Ate Ai, hindi ka nagkamali sa sinamahang grupo, hindi mawawala ang iyong prangkisa," dagdag pa niya.

Nagperform at nagsilbing host si Ai-Ai sa nasabing grand rally ng UniTeam. Suportado niya ang tandem nina Bongbong Marcos at Sara Duterte.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/02/ako-ay-tagasuporta-ng-uniteam-ako-rin-po-ay-may-pusong-ofw-ai-ai-delas-alas/

Naging usapin ang isyu tungkol sa prangkisa noong 2020 dahil sa pagkakapaso ng prangkisa ng ABS-CBN dahil sa umano'y hindi pagbabayad ng buwis. Ngunit ayon sa Bureau of Internal Revenue (BIR) regular na nagbabayad ng buwis ang network giant.

Noong 1972, unang na-shutdown ang ABS-CBN nang magdeklara ng Martial Law si dating Pangulong Ferdinand Marcos.