Naging usap-usapan kamakailan lamang ang video ng komedyante at host na si Archie Alemania na ginagaya ang 'presidente at bise presidente chant' ni Kakampink Gab Valenciano, na ginawa nito sa isa sa mga sortie ng Leni-Kiko.

Maya-maya, humataw na rin ito na kagaya ng hataw ni Gab.

Samantala, nakarating naman ito kay Gab. Ngayong Abril 24, matapos ang sortie ng Leni-Kiko tandem sa Pasay City, ibinahagi ni Gab ang litrato nila ng amang si Mr. Pure Energy Gary Valenciano gayundin ang kopya ng TikTok video ni Archie habang ginagaya siya, na ibinahagi naman ng isang netizen. Nilagyan ito ng caption ng netizen na "Hirap talaga kapag laos na komedyante…"

"Game over, Archie," sey naman ni Gab.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

https://twitter.com/gabvalenciano/status/1518061234465423362

Ang ginaya ni Archie kay Gab ay nang mag-perform at ipa-hype ang mga dumalong Kakampink sa naganap na Bataan rally.