Nanawagan nitong Linggo ang Commission on Elections (Comelec) sa susunod na Kongreso na magpasa ng batas na i-exempt ang mga guro sa buwis ng kanilang exemption service honorarium.
Sa isang panayam, ipinaliwanag Comelec Commissioner George Garcia, dalawang beses na nilang sinulatan ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na tanggalin na ang 20 porsyentong buwis ng mga guro namnagsisilbi bilang board of election inspectors (BEIs) sa May 9 National elections.
“Kami ay sobrang nakiusap na baka puwedeng ma-exempt man lang. Ito naman ay honoraria lang, hindi naman talaga sahod. Isipin niyo, tinaasan nga namin eh, dinagdagan namin ng₱2,000 ‘yung matatanggap nila.Kapagbinawasanpa sila ng 20%, ‘yungitinaasnamin, ‘yun din ang ibabawas,”pagdidiin ni Garcia.
Sa nakaraang pagdinig ng SenateCommittee on Ways and Means nitong Huwebes, kapwa nagmatigas ang BIR at Department of Finance (DOF) na hindi nila sinusuportahan ang nabanggit na mungkahi at idinahilan ang probisyon ng Tax Code at ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.
Sa kabila nito, plano pa rin ng dalawang kapulungan ng Kongreso na maglabas ng resolusyon na nagbibigay ng tax exemption sa election service honarariang mga guro.
“Panawagan natin sa ating Kongreso, sa susunod na Kongreso, sana mapag-isipan na talaga natin na maisabatas ‘yan na dapat exempted ang kinikitang konti ng ating mga teachers, ng ating mga workers sa mismong araw ng eleksyon sa mismong pagbabayad ng income tax,” ayon kay Garcia.
Nauna nang ipinangako ng Department of Education (DepEd) na bibigyan nila ang mga nasabing guro ng karagdagangtransportation allowance na₱2,000, communication allowance₱1,500, at nti-COVID-19 allowance₱500.
Nangako naman si Garcia na matatanggap agad ng mga guro ang kanilang bayad sa loob ng 15 araw pagkatapos ng eleksyon.