MAGUINDANAO - Sugatan ang apat na pasahero matapos sumabog ang isang bomba sa loob ng bus sa Barangay Making, Parang nitong Linggo ng umaga.

Kinikilala pa ng pulisya ang mga nasugatan, kabilang ang isang babae na pawang isinugod sa Parang District Hospital dahil sa mga sugat sa katawan.

Dakong 8:45 ng umaga nang maganap ang insidente sa loob ng Rural Tours bus na nakaparada sa gilid ng national highway sa nasabing lugar.

Sa paunang pagsisiyasat ng Parang Municipal Police, bago ang insidente ay nag-stopover muna ang bus sa lugar upang mag-almusal.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Habang kumakain sa katabing kantina ang ilang pasahero, driver at conductor ay nakarinig ang mga ito ng malakas na pagsabog sa likurang bahagi ng bus, ayon naman kay Parang Police chief, Lt. Col. Joseph Macatangay.

Wala pa aniyang umaako sa insidente na aabot lamang sa isang kilometro ang layo mula sa headquarters ngPolice Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PRO-BARMM).

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang insidente upang matukoy kung sino ang nasa likod nito.

PNA