CAGAYAN - Natimbog ng mga awtoridad ang isang binata matapos bentahan ng marijuana ang isang tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) saPeñablanca nitong Sabado ng gabi.

Nakakulong na ang suspek na kilalang si Romel Baculi, 23, at taga-Alimanao,Peñablanca.

Sinabi ng PDEA, nagkasa sila ng buy-bust operation sa Brgy. Alimanao na ikinaaresto ng suspek nang bentahan nito ng 6,000 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana ang isa sa kanilang tauhan.

Sa pagtaya ng PDEA, aabot sa₱720,000 ang halaga ng nakumpiskang illegal drugs.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nasamsam din sa suspek ang isang travelling bag, isang motorsiklo, isang cellular phone, isang sling bag at buy-bust money.

Inihayag pa ng PDEA na matagal na nilang minamanmanan ang iligal na gawain ni Baculi na pinaniniwalaang nag-ooperate din sa iba't ibang lugar sa Cagayan Valley.

Inihahanda na ng mga awtoridad ang kasong paglabag saComprehensiveDangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek.