KINSHASA, Democratic Republic of the Congo -- Iniulat sa Wangata Health Zone ng Equateur province ang positibong kaso ng Ebola virus disease, kinumpirma ito ng Health Minister ng DRC na si Jean-Jacques Mbungani.

Noong Disyembre 2021, idineklara ng DRC ang katapusan ng ika-13 Ebola outbreak na kung saan nakumpirma ang walong kaso at tatlong probable, kabila na ang anim na namatay sa northeastern North Kivu province.

Natuklasan sa mga resulta mula sa genome sequencing na isinagawa ng National Institute of Biomedical Research ng DRC na ang unang kaso ng Ebola na nakita sa ika-13 outbreak ay kumakatawan sa isang bagong pagsiklab ng 2018-2020 Ebola outbreak na pumatay ng higit 2,200 katao sa silangang DRC, ang ikalawang pinaka nakamamatay na naitala.

Xinhua

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina