Ipinamahagi na ng Department of Agriculture (DA) ang ₱12 milyon sa ₱1.1 bilyong fuel subsidy para sa mga magsasaka ng mais at mangingisda sa bansa.
Nilinaw ng tanggapan ni DA Secretary William Dar, tuloy pa rin ang programa at tanging makikinabang lamang sa subsidiya ang mga nakarehistrong magsasaka saRegistry System for the Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) at mangingisda sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Kabuuang₱3,000 fuel subsidy ang nakalaan sa bawat benepisyaryo ng programa na may layuning maibsan ang malaking gastusin ng mga magsasaka dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Inaasahang makikinabang sa subsidiya ang aabot sa 300,000 magsasaka at mangingisda sa bansa.
Matatandaang inihayag ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner George Garcia na exempted ang programa sa ipinaiiral nilangelection spending ban.
Bukod dito, nakatakda ring mamahagi ang DA ng₱5,000 na ayuda para sa mga magsasaka alinsunod sa Rice Farmers Financial Assistance.