DAVAO CITY – Nakatakdang ilunsad ng Mindanao Development Authority (MinDa) ang ‘VolunTurismo,’ isang programa na layong makaakit ng humigit-kumulang 100,000 boluntaryong turista na bumisita sa Isla ng Siargao at tumulong sa mga taga-isla sa kanilang mga pagsisikap sa pagbawi at rehabilitasyon sa ekonomiya.

Sinabi ng head of public relations ng MinDA na si Adrian Tamayo na ang proyekto ay naglalayong hikayatin ang higit pang mga boluntaryong turista na pumunta sa isla at magbigay ng suporta sa mga lokal ilang buwan matapos ang Bagyong Odette na dumaan sa kanilang mga komunidad noong Disyembre 2021.

Sinabi ni Tamayo na ang soft launch ay nakatakda sa Mayo 5.

“The aim is to encourage tourists, as volunteer tourists, to visit Siargao and enjoy the waves and sand, while also extending support to the Siargao communities through agriculture activities, psychosocial support, community development,” ani Tamayo.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Nais aniya ng MinDA na tumulong na buhayin ang industriya ng turismo sa isla, na siyang pangunahing pinagkukunan ng kita ng mga taga-Siargao.

Sinabi niya na ang "VolunTurismo," isang wordplay sa pagitan ng "volunteerism" at "turismo," ay inaasahang makaakit ng 100,000 turista na tutulong sa mga taga-Siargao na makabangon mula sa mga epekto ng kamakailang bagyo.

“For one tourist, it can generate support to 10 individuals who are porters, maintain homestay, and provide transportation. That’s the way for a sustainable economic recovery,” paliwanag ni Tamayo.

Antonio Colina IV