Hindi umano nagustuhan ng ilang LGBTQIA+ groups ang hirit na biro ni presidential candidate at Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso sa kaniyang Butuan sortie, na ireregalo umano niya ang anak na si Kapuso actor Joaquin Domagoso sa LGBT, partikular sa mga beki, at libre umano ang booking.
"Sa ating mga LGBT, mamaya, ireregalo ko sa inyo si Joaquin. Libre ang booking pero tingin lang, walang kakainin," ayon kay Yorme.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/21/anak-na-si-joaquin-pabirong-inalok-ni-yorme-isko-sa-lgbt-libre-ang-booking/">https://balita.net.ph/2022/04/21/anak-na-si-joaquin-pabirong-inalok-ni-yorme-isko-sa-lgbt-libre-ang-booking/
Para sa mga grupong nagsusulong sa kapakanan at karapatan ng LGBTQIA+ groups, ito ay isang uri ng insulto at 'stereotyping'.
"Mayor Isko Moreno keeps taking a step back from being progressive and ultimately reveals who he really is: behind his facade lies yet another example of toxic masculinity and fake allyship," pahayag ni Pantay Pilipinas national convenor Vince Liban sa ABS-CBN News.
"While the daughter of another presidential candidate is victimized by fake sex scandals, he proudly sexualizes his son in front of many LGBTQ+ audience. This reeks of double standards, male privilege, and LGBTQ+ stereotyping," giit pa niya.
"This further perpetuates gender inequality and discrimination against LGBTQ+ Filipinos. We must put an end to macho politics and focus instead on respecting the dignity of men, women, and LGBTQ+ community."
Para naman kay Bahaghari chairperson Rey Valmores-Salinas, hindi umano dapat ilagay ang LGBTQ+ community sa kahon.
"Nakakainsulto siya at sine-stereotype ang LGBT na ang hanap lang namin ay sex. Sa totoo lang, ang struggles namin sa pagkakapantay-pantay ay ibang-iba. Hindi lang sex lang ‘yung usapan, kundi pagbibigay ng pantay na pagtatamasa ng mga karapatan, mga karapatan laban sa diskriminasyon sa ganitong klaseng lipunan," aniya
"Talagang nakakagalit siya. At bukod pa roon, dagdag ko na rin siguro kasi sinabi pa ni Isko, kumbaga binugaw niya ‘yung anak niya na si Joaquin, napaka-tone deaf."
"Para sa isang presidential aspirant na magbiro tungkol sa pagbubugaw ng ganyan, sa panahon kung kailan marami sa nakikinig sa kanya ay may hinaharap na krisis at napipilitang sumailalim sa iba’t ibang bagay na hindi nila gusto para lamang may pantustos sa kanilang edukasyon at pamumuhay, hindi po ito isang bagay na binibiro at higit lalo ng isang tumatakbo bilang pangulo."
"Hindi kami sineseryoso, na ang lehitimong problemang hinaharap namin ay masosolusyonan lang ng booking. Why not ang pag-usapan natin ay ang commitment sa SOGIE Equality Bill? Why not ang pag-usapan natin ay ang paglilikha ng isang batas na kikilalanin ang pagmamahalan ng kababayan natin anuman ang kanilang kasarian, o ang marriage equality?" she lamented.
"Bakit po hindi mga kongkretong patakaran para mabigyan ng karapatan ang LGBT community, at puro na lang po biro, puro na lang po insulto at pagmamaliit ang ginagawa sa amin?"
"Hindi po ‘yun simpleng biro kapag nanggaling sa isang tao kagaya ni Isko Moreno. Ang mga taong tumatakbo bilang pangulo ay dapat nagsisilbi na modelo sa taumbayan na nakikinig sa kanila. Ngayon, what does that say kung ang tao na tumatakbo for the highest office in the land ay nagbibiro lang tungkol sa LGBT community?"
"Fini-feed lalo ang kultura ng karahasan laban sa LGBT community at laban sa kababaihan. Hindi po natin pwedeng sabihin na this is just a joke because this contributes to the cycle of violence that the LGBT community faces."
Hinimok niya ang mga kandidato na maging maingat, mapili, at maayos ang pagbibitiw ng mga salita, pahayag, at kilos sa mga tao, kahit na ano pa man ang sekswalidad nito, sa halip na mag-stereotyping.
Samantala, wala pang komento, tugon, o pahayag sina Yorme Isko o maging si Joaquin tungkol sa isyung ito.