Hindi umano maibigay sa takdang panahon ang buwanang cash allowance ng 178,759 senior citizens sa Maynila at kailangan itong ipagpaliban muna bunsod dahil sa liham ng kandidatong si Alex Lopez kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na kumukuwestiyon sa naturang ayuda.

Sa rekord ng legal office sa lungsod, nagpadala ng liham si Lopez sa tanggapan ng alkalde sa Manila City Hall at kinukuwestiyon kung aprubado ito ng Commission on Elections (Comelec) alinsunod na rin sa Resolution 1047.

Nais din nitong malaman kung ano ang batayan ng lungsod ng pagbibigay ng ayuda; kung saklaw ito ng 2022 budget; kung nag-file ang pamahalaang lungsod ng ‘exemption’ sa ipinaiiral na election spending ban ng Comelec.

Sa Resolution 10747, ipinagbabawal nito ang mga partikular na uri ng paggastos ng pondo ng pamahalaang-lungsod sa panahon ng kampanya.

Metro

₱45 per kilong bigas, mabibili na sa NCR simula Nobyembre 11

Lumiham na si Elinor Jacinto, officer-in-charge ng Office for Senior Citizens’ Affairs (OSCA) kay Secretary to the Mayor Bernardito Ang upang manawagan na tulungan sila sa pagkuha ng exemption sa Comelec upang maipagpatuloy ang pamamahagi ng kabuuang₱1,500 para sa tatlong buwang allowance ng mga senior citizens sa lungsod.