Naniniwala ang vice presidential aspirant na si Senador Kiko Pangilinan na nagiging pabor lang sa mga 'hindi uma-attend' ng mga debate ang ginawa ng Commission on Elections na pagbabago ng schedule ng debate sa mga kandidato sa pagka-pangulo at pangalawang pangulo.
"Cancelling the debates for the Presidential and Vice Presidential elections set tomorrow and Sunday heavily favors those who do not show up. Comelec magpaliwanag kayo. Pinapaboran ba ninyo yung mga di sumisipot?" Ani Pangilinan sa isang tweet.
Cancelling the debates for the Presidential and Vice Presidential elections set tomorrow and Sunday heavily favors those who do not show up. Comelec magpaliwanag kayo. Pinapaboran ba ninyo yung mga di sumisipot?
— Kiko Pangilinan (@kikopangilinan) April 22, 2022
Kinuwestiyon rin niya ang umano'y dahilan ng pagkansela na dahil sa "hindi nabayaran ang Sofitel."
Aniya, "…at yung dahilan ng cancellation kasi di nabayaran ang Sofitel? Talaga? Mas mahalaga interes ng Sofitel kaysa sa interes ng 65 million na botante na marinig ang mga kandidato? Ang tindi at lakas naman ng kamandag ng isang hotel at hawak sa leeg ang Comelec at buong bansa."
...at yung dahilan ng cancellation kasi di nabayaran ang Sofitel? Talaga? Mas mahalaga interes ng Sofitel kaysa sa interes ng 65 million na botante na marinig ang mga kandidato? Ang tindi at lakas naman ng kamandag ng isang hotel at hawak sa leeg ang Comelec at buong bansa.
— Kiko Pangilinan (@kikopangilinan) April 22, 2022
Kaugnay dito, pinaiimbestigahan na ni Comelec Commissioner Rey Bulay ang umano’y kuwestiyunableng kasunduan sa pagitan ng ahensya at ng Impact Hub Manila na organizer ng serye ng presidential debate na tinawag na “PiliPinas Debate 2022.”
BASAHIN: Utang ng Impact Hub: ₱15M pambayad ng Comelec sa Sofitel, kinuwestiyon ni Commissioner Bulay
Bukod dito, pinagpapaliwanag din ni Bulay ang ilang opisyal ng Comelec na sangkot sa ilang posibleng irregularidad sa kasunduan sa pagitan ng ahensya at ng organizer na umano’y walang kakayahang pinansyal na sumali sa kahalintulad na proyekto
Nauna nang naiulat na ilang beses ng naglabas ng talbog na tseke ang Impact Hub na pinamumunuan ni CEO Celeste Rondario kaya napilitan ang Sofitel na humingi ng tulong sa Comelec upang singilin ang utang na ₱14 milyon.
Ito ang ginamit na dahilan ng Comelec upang iurong ang huling bugso ng debate sa susunod na linggo kung saan ka-partner na nito ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).