Natupad na nga ang inaasahan ng karamihan na makapasok bilang official candidate ng Binibining Pilipinas 2022 ang tinaguriang Hipon Girl, ang Kapuso comedienne na si Herlene Nicole Budol itong Friday sa final screening ng nasabing prestigious beauty pageant.

Bumuhos ang suporta sa social media ng mga netizens na pawang natuwa at bumati ng congratulations kay Herlene. May mga nagulat sa magandang awra ng komedyante kaya naman haka ng iba ay mukhang nagpa-nose filler o nagpa-inject daw ng ilong si Hipon at nagpaveneer daw ng ngipin. How true kaya ito? Kung totoo man ito wala namang problema sa enhancement marami namang beauty queen ang sumubok nito na naging part na rin ng kanilang journey na talaga namang lalong ikinaganda nila at nagpaboost ng kanilang confidence.

Sa Instagram naman ibinahagi ni Herlene ang pagpapasalamat sa mga taong nandiyan at nakasuporta gaya ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino at ng buong team ng Kagandahang Flores sa pamumuno ni Rodin Gilbert Flores. Paglalahad niya speechless daw siya nang tawagin ang kanyang number na 67 at ang pangalan niya na siyang huling tinawag na pang top 40. Sey pa niya, “Wala pa rin akong tigil sa kakaiyak dto sa backstage.” Ang akala niya kasi hindi na siya tatawagin.

Paniniguro niya bagamat may bago siyang journey na tatahakin ipinapangako raw niya na hinding hindi raw siya magbabago at lalong hindi lalaki ang ulo. Hindi naman nakaligtaan banggitin ni Herlene na magpasalamat kay Willie Revillame na alam naman ng lahat na sa show ng TV host nag-umpisa si Hipon Girl.

Tsika at Intriga

Tito Sotto binara kampo ni Darryl Yap, ibang 'Vic' daw nakatanggap ng script

Kanya kanya namang komento sa Tiktok ang mga netizens sa video na kanilang ibinahagi tungkol kay Herlene. Naging kamukha raw ito ni MJ Lastimosa, ang 2014 Binibining Pilipinas Universe. Sundot ng isa, “Miss Manila 2020 sana mapanood mo ito bus8 ka bwahahahaha.” Ang ilang mga netizens naman hangad nilang masungkit daw sana ni Herlene ang korona ng Binibining Pilipinas Grand International na siya namang nais ding mapanalunan ni Herlene. Yun na! (Dante A. Lagana)