Isa na namang malakihang dagdag-presyo sa produktong petrolyo ang inaasahang ipatupad sa Abril 26.

Sa pagtaya ng industriya ng langis, posibleng tataas ng₱3.80 hanggang₱4.10 ang presyo ng kada litro ng diesel,₱3.40 hanggang₱3.60 sa presyo ng kerosene at₱3.10 hanggang₱3.50 naman ang ipapatong sa presyo ng gasolina.

Ito ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.

Sakaling ipatupad, ito na ang ika-14 na bugso ng taas-presyo sa produktong petrolyo ngayong taon.

Nitong Abril 19, huling itinaas sa₱1.70 ang presyo ng diesel, at₱0.45 naman sa presyo ng gasolina at kerosene.