Kakanselahin nina Partido Lakas ng Masa standard bearer Leody de Guzman at Walden Bello ang nakatakda nilang campaign sorties upang makadalo lamang sa huling bugso ng "PiliPinas Debates 2022" sa Abril 30 hanggang Mayo 1.
Ito ang tiniyak nina De Guzman at Bello sa mga mamamahayag matapos silang mangampanya sa Bulacan nitong Sabado.
Anila, dapat lamang na ituloy ang debate para na rin sa kapakanan ng mga botante.
Sinabi ng mga ito na uunahin nila ang debate dahil may mga paksa pang hindi panatatalakay at mahalaga umano ito sa publiko.
“Tingin ko ‘yon ay mahalaga dahil pinag-isipan ng Comelec (Commission on Elections) iyon na maging panuntunan o batayan sa pagiging pagboto ng ating mga kababayan. Kaya ‘yon ay importante para sa amin. Kahit kami lang dalawa ni Walden ang dumalo,” lahad ni De Guzman sa isang television interview.
Bukod dito, dapat din aniyang magpaliwanag ang Comelec kaugnay ng pagpapaliban ng debate.
Matatandaang napilitan ang Comelec na iurong muna ang nakatakdang debate matapos isapubliko ng Sofitel Philippine Plaza Manila ang hindi pagbabayad sa kanila ng organizer na Impact Hub Manila.
Binanggit naman ni Bello, mawawalan ng tiwala ng publiko sa integridad at kakayahanng Comelec upang pangasiwaan ang eleksyon dahil sa pagkakaantala ng debate.
“‘Pag hindinakakayang Comelec ng holding of a national debate, siyempre marami sa ating mga kababayan mag-iisip, ‘Makakaya ba ng Comelecitong national elections na ito? Baka mamaya pumalpak din ang national elections.’ Kaya malaking loss of public confidence ito sa palpak na holding ng debate na ito,” ani Bello
“Kailangang-kailangan the Comelec has to step forward and assure that all steps of the electoral process, kaya nilang gawin at may pruweba sila that 100% foolproof iyan,” paliwanag nito.
“Maski may conflict of schedules namin, priority namin ‘yong debate. Kasi alam naman natin na national event ‘yan. This is the last time there will be a national audience looking intently sa mga programa. So ‘yong mga hindi mag-a-attend niyan, hindi excused,” dagdag pa ni Bello.