Tila may suggestion si vice presidential candidate Walden Bello sa Commisson on Elections (Comelec). Aniya, huwag ilipat ng poll body ang venue ng debate sa Okada Manila dahil mas masarap umano ang pagkain sa Sofitel Philippine Plaza.

"Comelec, please don't move the venue of the postponed prexy and vice prexy debates from the Sofitel to the Okada," ani Bello sa kanyang tweet nitong Biyernes, Abril 22.

"The Sofitel food is so much better than the casino leftover food served at the Quiboloy debates at the Okada," patutsada nito.

"You don't want candidates to die from food poisoning," dagdag pa niya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

https://twitter.com/WaldenBello/status/1517346011282567168

Matatandaan na hindi nagustuhan ng vice presidential candidate ang pagkaing inihain sa SMNI-sponsored presidential debate na ginanap sa Okada Manila noong Pebrero 15, 2022.

“The food was, to be kind, awful, and I have reason to believe it was surplus food from the casinos in the hotel,” aniya.

Ang mga pagkain na inihain sa mga guest ay nagkakahalagang P5,000 kada tao– halagang binayaran ng SMNI.

Taliwas umano ito sa naging pahayag ni Bello na microwaved food lamang ang inihain.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/02/18/pagkain-na-inireklamo-ni-bello-%e2%82%b15k-kada-tao-pala-ang-halaga/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/02/18/pagkain-na-inireklamo-ni-bello-%e2%82%b15k-kada-tao-pala-ang-halaga/

Gayunman, nagustuhan ni Bello ang pagkaing inihain ng Comelec sa presidential debate noong Marso 19, 2022.

“Now for the long-awaited part of the evening: I try the food,” ani Bello.

“COMELEC food: passable. Definitely better than Quiboloy’s microwaved casino food,” aniya pa.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/03/20/food-review-walden-bello-ikinumpara-ang-pagkain-na-inihain-ng-comelec-at-smni/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/03/20/food-review-walden-bello-ikinumpara-ang-pagkain-na-inihain-ng-comelec-at-smni/

Samantala, iniurong ng poll body ang petsa ng finalleg ng Pilipinas Debates sa Abril 30 at Mayo 1 na dapat ay gaganapin nitong Abril 23 at 24.

Ngunit sa ngayon ay wala pang inaanunsyo ng Comelec kung saan gaganapin ang nasabing debate.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/22/pilipinas-debates-na-postpone-private-partner-ng-comelec-may-%e2%82%b114m-utang-sa-sofitel/