Na-postpone ang PiliPinas Debates ng Commission on Elections (Comelec) na gaganapin sana ngayong weekend dahil may ₱14 milyon na hindi nabayaran umano ang private partner ng poll body sa Sofitel Philippine Plaza Manila– kung saan gaganapin ang nasabing debate.

Inanunsyo ni Comelec Commissioner George Garcia na inurong nila ang petsa ng final leg ng Pilipinas Debates sa Abril 30 at Mayo 1. 

“We’d like to announce that we will not be able to proceed with the debate tomorrow and Sunday…it is not canceled its just being reset by next week April 30 and May 1,”aniya.

“There are unforeseen circumstances that’s impossible on the part of the Commission to proceed with the debate by Saturday and Sunday,”dagdag pa niya.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Napag-alaman na may hindi nabayaran ang private partner ng poll body na Impact Hub Manila, grupo sa likod ng Vote Pilipinas, sa Sofitel Manila na nagkakahalagang₱14M.

Sa Sofitel Manila ginanap ang mga nagdaang PiliPinas Debates noong Marso 19, Marso 20, at Abril 3.

Humihingi ng paumanhin sa mga kandidato si Comelec Commissioner Rey Bulay dahil sa pag-urong ng petsa ng debate.

"Humihingi po ako ng paumanhin sa mga kandidato. Kami po ay magsasagawa ng pagsusuri tungkol sa bagay na ito kung ano ang naging problema," aniya.

Samantala,angKapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP)ang magiging bagong partner ng Comelec sa dalawang nalalabing debate bago ang halalan sa Mayo 9, 2022.

“It will push through on April 30 and May 1. This time we have a very good partner, the Kapisanan ng Brodkaster ng Pilipinas, who offered unconditionally their help to the Comelec,” saad ni Commissioner Garcia.

Sa ngayon ay fina-finalize pa ng poll body kung saan gaganapin ang huling PiliPinas Debate.