Wala umanong magiging epekto sa pamunuan ng Philippine National Police(PNP) sakaling magdesisyon si Pangulong Rodrigo Duterte na palitan sapuwesto si PNP chief, Gen. DionardoCarlos na nakatakdang magretiro ngayong Mayo 8, o isang araw bago ang 2022 National elections.
Paliwanag ng dati ring hepe ng PNP na si Senator Ronald dela Rosa, angpinuno lang ang papalitan, gayunman, ang buong organisasyon ay buong-buo naman at kasado na rin ang kanilang mga gawain ngayong halalan.
Si Carlos, ang ika-27 na hepe ng PNP ay naitalaga sa puwesto nitong Nobyembrematapos na magretiro naman si ngayong senatorial candidate GuillermoEleazar.
Mas makabubuti rin aniya kung hintayin na lamang ang desiyon ni Duterte kung palalawigin sa puwesto si Carlos.