Kinuwestiyon ng Stone of Hope Builders and Dev't Corporation (SOH) sa pamamagitan ng kanyang presentasyon sa inihaing dalawang certiorari petitions sa Taguig City Regional Trial Court kamakailan, ang naging desisyon ng pinuno ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) na huwag bawiin ang dalawang notices of award na inisyu noong Bagong Taon para sa kanyang multi-billion procurement projects sa kabila ng ebidensya ng kapuna-punang mga iregularidad.
Ang mga proyekto ay pumapatungkol sa konstruksyon ng mga istruktura at pasilidad na sakop ng 100-ektaryang lupa sa Bataan Technology Park, Morong, Bataan (Packages 2 and 3) para sa Philippine Marines na may kabuuang pondo o badyet na P5.944 bilyon.
Nakaangkla ang mga petisyon sa pagkabigo ng BCDA BAC na sundin at obserbahan ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng RA 9184 kung kaya ang naturang bidding ay dapat na ideklarang kabiguan o failure.
Dapat laging ipalagay ng Government Procurement Policy Board (GPPB) na kung may ganitong kaso ng pagkabigo ng BAC na tumalima sa mandatory requirements ng kasalukuyang procurement law, at rules and regulations, ang maaaring gawin ng Procuring Entity ay magdeklara ng isang failure of bidding sa ilalim ng Section 41 ng RA 9184 at ng kanyang IRR.
Sa pag-apruba noon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, ang RA 9184 ay nagdeklara ng isang polisiya ng Estado upang isulong ang mga mithiin ng magandang pamamahala sa lahat ng kanyang branches, departments, agencies, subdivisions at instrumentalities, kabilang ang government- owned and/or controlled corporations.
Ang mga probisyon ng RA 9184 IRR ay bahagi sa pangako ng gobyerno ng Pilipinas na itaguyod ang magandang pamamahala at kanyang hakbang na sundin ang mga prinsipyo ng transparency, accountability, equity, efficiency at economy sa kanyang procurement process.
"Isinampa namin ang kaso bilang taxpayer dahil gusto namin na bawat sentimo na ibinabayad ng taxpayer ay napupunta sa tamang proyekto at hindi napupunta sa bulsa lamang ng iilan. Naramdaman namin ang laban ng Administrasyon ni Pangulong Duterte laban sa korapsyon kaya nakakadismaya na nangyayari pa rin ang sistema sa kasalukuyang panahon," ayon SOH.
"As responsible Filipino citizen, we cannot just turn blind eyes on these issues. Alam namin na may kaakibat nA malaking epekto ang ginawa namin dahil sa ang kalaban namin ay may mga katungkulan. Pero kung hindi kami ang gagawa at hindi ngayon, Sino at kailan? Ang desisyon na ito ay para masawata ang hindi tamang pagpapatupad ng mga umiiral na batas at alituntunin sa Public Bidding na kailangan mabigyan ng kaukulang aksyon para hindi pamarisan sa darating na mga panahon."