Ibinunyag ng isang kongresista na may₱45 bilyong revenue o dapat na kita ng gobyerno kada taon ang nawawala dahil sa umano'y smuggling ng palm oil o mantika sa bansa.

Ang pagbubunyag ay ginawa ni Albay Rep. Joey Salceda, chairman ng House committee on ways and means, sa pagdinig ng kanyang komite tungkol sa palm oil smuggling.

Iniimbestigahan na ng Department of Agriculture (DA) ang umano'y illegal entry ng palm oil sa bansa.

Kasama rin sa iniimbestigahan ang mga opisyal at staff na sangkot umano sa pakikipagsabwatan sa mga smuggler ng agricultural products.

“In fact, we have been investigating the alleged smuggling of palm oil as animal feeds but is processed as cooking oil for human consumption as early as last year,” pahayag ni DA Undersecretary Fermin Adriano.

Sa pagdinig, sinabi ng kongresista na ang pamahalaan ay nawawalan ng₱45 bilyong kita dahil ang palm oil ay idineklara bilang animal feeds o pagkain ng hayop. Aniya, dapat namay15-percent duty o buwis angipapatawsa inangkat na palm oil bilang pagkain ng tao.

Sa Pilipinas, ang palm oil ay ginagamit bilang pagkain ng hayop at puwedeng angkatin nang zero tariff at hindi saklaw ng 12-percent value-added tax (VAT).

Gayunman, sinabi ng DA na wala itong police powers na manghuli at mag-usig ng pinaghihinalaang smugglers sa ilalim ng umiiral na batas at regulasyon.

Hiniling nila sa ibang mga ahensiya ng pamahalaan na may police powers na tulungan sila upang matigil ang smuggling ng palm oil na ikinalulugi ng bansa ng₱45 bilyon.