Naiuwi muli ng Ginebra San Miguel ang PBA Governors' Cup title matapos talunin ang Meralco, 103-92, sa Game 6 ng kanilang bes-of-seven series sa Mall ofAsia Arena nitong Biyernes ng gabi.

Nagtulung-tulong sina LA Tenorio, Justin Brownlee, Scottie Thompson at Christian Standhardinger upang tuluyang hablutin ang serye, 4-2, sa harap ng 20, 224 fans.

Hindi nakasirasa diskarte ng Ginebra ang pagkaantala ng kanilang Game 6 sa Smart-Araneta Coliseum nitong Abril 20 matapos masunog ang bahagi ng nasabing venue.

Ito na ang ika-14 na kampeonato ng Ginebra at ika-anim naman na titulo sa pagmamando ni coach Tim Cone.

Bagomapitas ng Ginebra ang kampeonato, dumaan muna ito sa tila-butas ng karayom dahil nakapuwesto ito sa ika-anim sa pagtatapos ng elimination round at kailangan munang talunin ng dalawang beses ang TNT Tropang Giga na nasa ikatlong puwesto sa quarterfinals.

Mag-utol na Yulo, pinupulido preparasyon sa 20th Asian Games!

Dinispatsa rin ng Gin Kings ang NLEX Road Warriors sa semifinal round, 3-1, hanggang sa tuluyan nang makapasok sa finals ng Season 46 ng liga.

Jonas Terrado