Nalansag ng mga tauhan ng Southern Police District (SPD) ang isang drug den na nag-ooperate sa Bagong Silang, Barangay Sucat, Muntinlupa City at nagresulta ng pagkumpiska ng ₱224,400 halaga ng shabu ,dakong ala-1:00 ng madaling araw nitong Biyernes, Abril 22.

Ayon kay SPD Chief, Birgadier General Jimili Macaraeg, naaresto ang mga suspek na kinilalang sina Bobby Tinio Arceno, 34; Danny Botocan Abas, 26, construction worker; Angelito Salas Andaya, 42, construction worker; Alejandro Encarnacion Hernandez, 31; John Carl Valenzuela Tan, 25, massage therapist, pawang mga residente sa Muntinlupa City.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nagkasa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng DDEU-SPD, DID, DMFB-SPD at Substation 4 Muntinlupa City Police Station, na nagresulta ng pagkakadakip ng mga suspek at makumpiska ang 33 gramo ng 'shabu,' marked money at coin purse.

Inihahanda na ang kasong comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga suspek na nasa kustodiya ng SPD DDEU Office.

“The success of the operation displays the unremitting commitment of the police to stop the proliferation of illegal drugs particularly in the Southern Metro area,” pahaya ng SPD Chief.