Nauwi sa mabigat na reklamo ang gimik ng isang Tiktok user na makikitang nagsunog ng P20 bill para silaban ang isang alak.

Burado na ang nasabing video ngunit sa kopya ng Bangko Sentral ng Pilipinas, malinaw na paglabag umano ito sa Presidential Decree No. 247 na may parusang aabot sa P20,000 na multa o hanggang limang taong pagkakabilanggo.

Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa isang ulat ng ">24 Oras kamakailan, matapos ang inabot na pambabatikos mula sa kapwa Tiktok users ay binura na umano ng netizen ang naturang video.

“‘Yung corresponding bank note and then ‘yung coin is pagmamay-ari ng Republika ng Pilipinas. Naka-receive siya ng maraming backlash from the public, pi-null out niya agad,” pagpupunto ni BSP senior investigation officer Atty. Mark Fajardo.

Gayunpaman, na-trace at kalauna’y natukoy na ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng netizen na nahaharap ngayon sa patung-patong na kasong inihain ng BSP.

Paglabag sa Article 154 ng Revised Penal Code against unlawful aggression at Cybercrime Prevention Act of 2022 ang kabilang sa mga reklamong inihain laban sa netizen.