Iginiit na ng Aksyon Demokratiko sa Bureau of Internal Revenue (BIR) nitong Huwebes na i-garnish na ang mga bank account ng pamilya Marcos upang mabayaran angā±203 bilyong estate tax ng mga ito.
Sa dalawang pahinang petisyon, iginiit ni Aksyon Demokratiko chairperson Ernest Ramel, Jr. kayBIR Commissioner Caesar Dulay na agad na ipagpatuloy ang paniningil at kumpiskahin ang bank accounts ng mga anak at asawa ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
āWe believe that it is in the best interest of the Filipino people that the taxes to be collected be put into its public use especially in this time of pandemic,ā ayon kay Ramel.
Nitong nakaraang buwan, kinukulit ni presidential candidate Isko Moreno Domagoso ang BIR at ang kampo ng pamilya Marcos na bayaran na ang kanilang obligasyon.
Si Domagoso ay presidente ng nasabing political party.
Kamakailan, iginiit ng BIR na ilang taon na silang nagpapadala ng demand letters sa pamilya Marcos upang mabayaran ang naturang buwis. Gayunman, tumatanggi pa rin ang BIR na maglabas ng kopya nito sa publiko.