Hindi ibinebenta ang bagong₱1,000 polymer banknotes na gawa sa polymer at unti-unting ipinakakalat simula ngayong Abril.
Ito ang pahayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nitong Biyernes at sinabing ang nasabing salapi ay may face value at hindi rin dapat ipagpalit na katumbas ng malaking halaga.
“The 1000-Piso polymer banknote will be circulated alongside the current 1000-Piso paper banknote and both can be used for payments and transactions,” paglalahad ng BSP.
Nauna nang inihayag ng BSP na hindi madaling gayahin ang nabanggit nabanknote dahil may iba’t ibang complex security features ito, katulad ng sampaguita clear window, serial number, shadow thread, vertical clear window, metallic features, blue iridescent figure, polymer substrate, tactile dots, embossed print, flying eagle at mas pinahusay na value panel.
Makikita rin sa nasabing pera ang Philippine eagle na ipinalit sa tatlong larawan ng tatlong bayaning sinaJose Abad Santos, Vicente Lim, Josefa Llanes Escoda.
Ipinagmalaki naman ng BSP ang materyales nito na katulad ng ginagamit sa pera ng Australia, Canada, Mexico, New Zealand, at United Kingdom.
Nauna nang sinabi ng BSP na plano nilang ilabas ang 500 milyong₱1,000 polymer banknotes na aabot sa₱500 bilyon sa pagitan ng 2022 at 2025.
Ang pagpapalabas ng nabanggit na bagong disensyo ng pera ay aprubado ng Office of the President at Monetary Board ng BSP.