Ayaw patulan ni presidential aspirant at Vice President Leni Robredo ang mga tirada sa kanya ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso nitong mga nagdaang araw.

Itinanong kay Robredo kung ano ang kanyang reaksyon tungkol sa panawagan ni Domagoso na mag-withdraw na sa kanyang kandidatura bilang pangulo. 

"Hindi ko siya papatulan dahil hindi naman ito simpleng laban lang naming dalawa. Laban ito ng bayan natin, may mas malaking laban na kailangan nating panalunin," saad ni Robredo sa isang ambush interview sa Bogo City, Cebu nitong Huwebes, Abril 21, 2022.

“Gaya ng sinabi ko kanina, extraordinary ang eleksyon na ito, hindi lang ito contest ng mga kandidato, pero ito ‘yong magdedetermine kung anong klase ng pamamahala at politika ‘yong mananaig sa bayan natin in the next six years, na ‘yon ‘yong pinapakipaglaban natin ngayon,” dagdag pa niya.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Ayon pa sa Bise Presidente, hindi na dapat magsayang ng oras na makipag-away sa ibang kandidato.

“And hinihikayat natin ‘yong lahat na samahan tayo sa laban na ‘to. Hindi na tayo magse-spend ng time makipag-away sa ibang kandidato kasi ‘yong laban na ‘to is more than all of us combined,” aniya.

Matatandaang pinagwi-withdraw ni Domagoso si Robredo dahil hindi na umano epektibo ang ginagawa nito laban kay Marcos Jr. 

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/17/mayor-isko-i-am-calling-for-leni-to-withdraw-whatever-you-are-doing-is-not-effective-against-marcos/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/04/17/mayor-isko-i-am-calling-for-leni-to-withdraw-whatever-you-are-doing-is-not-effective-against-marcos/

Muling iginiit ng alkalde nitong Abril 19 ang kanyang panawagan na mag-withdraw ang bise presidente sa kandidatura nito sa pagka-pangulo.

“‘Be a hero, withdraw Leni.’ Ako may sabi nun hindi si Senator Lacson, hindi si Secretary Norberto Gonzales. Ako yun. Sasabihin ko ulit, withdraw Leni,” aniya.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/04/19/mayor-isko-hiningi-niyo-sa-amin-ang-withdrawal-hihingin-din-namin-sa-inyo-fair-lang/