Isang maikling mensahe ang iniwan ng batikang aktor na si Romnick Sarmenta kung bakit nito pinipili si Senador Kiko Pangilinan bilang bise presidente.

Sa isang tweet, naglabas ang aktor ng animo'y isang tula na naglalarawan ng katangian ni Pangilinan kung kaya napili niya itong suportahan sa pagkabise.

"Ang bise ay hindi pangalawa. Siya ang unang karamay ng pangulo sa anumang bagay. At kung igagalang ng pangulo, ay kakampi sa lahat ng oras. Katapatan sa Diyos. Integridad sa serbisyo. Kaagapay sa hanap buhay. Obrero ng Pilipino," ani Romnick.

https://twitter.com/Relampago1972/status/1516744611674595330

"Si Kiko Pangilinan. Bise Presidente ko. #LeniKiko," dagdag pa niya.

Matatandaan na hayagan ang pagsuporta niya sa tambalang Bise Presidente Leni Robredo at Pangilinan.

Aniya, naniniwala siya na sa gobyernong tapat, mapapanatili ang kapayapaan at masisiguro ang seguridad ng lahat.

"Ang boto ko, ay para din sa mga hindi kakampi. Makakaginhawa din ito sa kinabukasan nila. Dahil sa gobyernong tapat, may pakinabang ang lahat," ani Sarmenta

Bukod pa sa pagpapahayag ng pagsuporta, may patutsada rin ang aktor sa Commission on Elections (Comelec).

Dapat umano'y hindi political appointes ang tumatao sa komisyon.

"Thought for the day: The COMELEC should be populated by people who are not political appointees. The COMELEC had always been implicated on election fiascos but never sanctioned," patutsada ng aktor.

https://twitter.com/Relampago1972/status/1516632896093954048

Dagdag pa niya, "The COMELEC is answerable to God and the people of the nation. Not people in position."