Nakakuha ng suporta si presidential candidate at Vice President Leni Robredo sa dalawang bigating support groups ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso– ang Aksyon Demokratiko-Youth at Isko Tayo Kabataan.

Ito'y matapos ang panawagan ng alkalde na magwithdraw si Robredo.

“Moreno’s recent actions reinforced our position that among the different camps, VP Leni is the only candidate with the integrity, exposure and expertise to effectively handle the most difficult job in the government in this most challenging time of our history,” ayon sa joint statement ng dalawang grupo.

Matatandaan na pinagwi-withdraw ni Domagoso si Robredo sa naganap na joint press conference kasama sina Senador Ping Lacson at dating Defense Secretary Norberto Gonzales.

Gayunman, sinabi ng alkalde na hindi siya humihinging pasensya sa mga bagay na kanyang ginawa.

“Hindi ako humihingi ng pasensya sa isang bagay na ginawa ko na makatwiran. Hiningi niyo sa amin ang withdrawal, hihingin din namin sa inyo ang withdrawal, fair lang,” saad ni Domagoso sa isang ambush interview sa Brgy. Alegria, San Francisco, Agusan del Sur.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/04/19/mayor-isko-hiningi-niyo-sa-amin-ang-withdrawal-hihingin-din-namin-sa-inyo-fair-lang/