Itutuloy na ng Department of Agriculture (DA) ang pamamahagi ng ₱3,000 fuel subsidy para sa mga magsasaka ng mais at mangingisda matapos magdesisyon ang Commission on Elections (Comelec) na i-exempt ito sa election spending ban.

Ito ang isinapubliko ni Comelec Commissioner George Erwin Garcia sa isang pagdinig sa House of Representatives nitong Miyerkules.

"As far as the request of DA, your honor, it was already approved.We approved already without any limitations or restrictions because we honestly believe these are very important projects of the DA," paliwanag niGarcia sa mga miyembro ngHouse Committee on Suffrage and Electoral Reforms.

Kamakailan, hiniling ni DA Secretary William Dar sa Comelec na pahintulutan silang maipagpatuloy ang pamamahagi ng subsidiya sa mga karapat-dapat na magsasakang mais at mangingisda.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Matatandaang binanggit ng Comelec sa kanilang Resolution No. 10747 na ipinagbabawal ang pagpapalabas ng pondo at paggastos ng pondo ng bayan sa panahon ng election period mula Marso 25 hanggang Mayo 8 ng taon.

Gayunman, naglabas din ng isa pang resolusyon ang Comelec na nagbibigay ng exemptions sa mga ahensya ng pamahalaan para sa kanilang spending banbasta makakuha ang mga ito ng certificate of exemption para sa implementasyon ng mga programa at social welfare project.