CAMP OLIVAS, City of San Fernando, Pampanga — Inaresto ng mga pulis sa Central Luzon ang dalawang hinihinalang nagbebenta ng droga at nasabat ang mahigit P400,000 halaga ng shabu sa anti-illegal drug operation sa Nueva Ecija noong Miyerkules ng umaga, Abril 20.
Inaresto ng mga operatiba ng Cabanatuan City Police si Ma. Saning Santos, 53, at Jenny Rose alyas ‘Rosa,’ 30, sa ikinasang buy-bust operation sa Purok 7, Brgy. Sangitan kanluran, Cabanatuan City.
Nakumpiska sa kanila ang 16 na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet, pawang naglalaman ng substance na pinaniniwalaang shabu, at humigit-kumulang 61 gramo ang bigat na may tinatayang halagang P414,800; at dalawang piraso ng may markang P500 bill.
Ang dalawang suspek na residente ng Brgy. Casile, Llanera, Nueva Ecija, nahaharap ngayon sa mga kasong paglabag sa Sec. 5 at 11 ng Art II ng R.A. 9165.
Liezle Basa Inigo