Batay sa pinakahuling resulta ng survey mula sa HKPH-Public Opinion and Research Center katuwang ang Asia Research Center na nakabase sa Hong Kong, nanguna sa senatorial survey ang Senatorial aspirant at dating Kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Mark A. Villar para sa paparating na halalan sa Mayo 2022 na may 68.5%.
“Salamat po sa inyong tiwala at pagpapahalaga sa aking serbisyo publiko. Masaya po ako sa resulta ng survey at maraming salamat po sa mga taong sumusuporta at naniniwala sa aking kakayahan na mag lingkod sa ating bansa. Isang malaking karangalan po ito saakin," sabi ni Villar.
Sinundan si Mark Villar (68.5%) ni Antique Representative Loren Legarda (65.1%), broadcaster na si Raffy Tulfo (62.3%), Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero (60.2%), Sen. Juan Miguel “Migz” Zubiri (54.7%), at dating House Speaker Alan Cayetano (52.3%).
Samantala, nasa ika-7 hanggang ika-12 na puwesto ay sina Sen. Win Gatchalian (51.1%), Filipino film actor Robin Padilla (43.9%), dating Bise Presidente Jejomar "Jojo" Binay (42.6%), Sen. Joel Villanueva (41.3%), dating Senador Gringo Honasan (32.7%) at dating Senador Jinggoy Estrada (32.5%).
Kasama rin sa listahan ng mga napupusuang kandidato sa pagkasenador ay sina dating Senador JV Estrada Ejercito (31.6%) sa ika-13 puwesto. Sinundan ni dating senador Risa Hontiveros (30.4%), Senador Dick Gordon (30.2%), dating alkalde ng Quezon City Herbert Bautista (27.1%), dating Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque (26.8%), at dating Philippine National Police (PNP) Chief Guillermo Eleazar (25.4%).
Sa ika-19 hanggang ika-24 na pwesto ay sina dating Senador Antonio Trillanes IV (24.2%), dating former Defense Secretary Gilbert Teodoro (23.5%), Astravel “Astra” Pimentel-Naik (15.7%), Senador Leila De Lima (14.3%), Atty. Chel Diokno (13.2%) and Atty. Lorenzo 'Larry' Gadon (12.4%).
“Malaking bagay po sa atin ang suporta at tiwala ng mga Pilipino, asahan niyo na akin pong ipagpapatuloy ang magandang nasimulan ng Build Build Build Program upang makapagbigay ng kabuhayan para sa mga manggagawang Pilipino. Maraming salamat po suporta saakin lalo na po ang adhikain natin na ipagpatuloy ang ‘Build Build Build’, Mahal ko po kayo”, dagdag ni Villar.
Ang nasabing survey ay isinagawa mula Abril 3-8, 2022, gamit ang face-to-face interviews sa 5,500 rehistradong botante na may margin of error na 3% (+/-).