Tinawag ni Margie Moran na “fake news” ang kumalat na larawan kasama ang tatlo pang Pinay Miss Universe titleholders kung saan itinuturo na tatlo sa kanila, kasama siya, ay nag-endorso sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo.

“3 out 4 Miss Universe from the Philippines (Margarita, Pia and Catriona) endorsed Leni Robredo as their President,” mababasa sa naturang Facebook post.

Pinabulaanan ito ni Margie sa isang Instagram post, Huwebes, Abril 21.

“This post is fake news. I will not compromise my position as a government official by endorsing a candidate. My choice is who I think will serve the nation best,” mababasa sa nasabing post ni Margie.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Dating pangulo ng Ballet Philippines, ang Pinay queen ay kasalukuyang chairperson ng Cultural Center of the Philippines (CCP).

Maaalalang ang mga kawani ng pampublikong tanggapan ay bawal mag-endorso ng kanilang manok sa halalan.

Samantala, matatandaan kamakailan ang parehong pagpapahayag sa publiko ng kani-kanilang suporta sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at Miss Universe 2018 Catriona Gray para kay Robredo.

Basahin: Catriona Gray, naglatag ng mga kalidad ng epektibong pinuno; pinili ang Leni-Kiko tandem – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid