Tila hindi pa ring lubusang matanggap ni Lovella Maguad, ina ng pinatay na Maguad siblings, na may batas na pumoprotekta umano sa mga menor de edad na suspek.

Sa isang Facebook post noong Abril 19, sinabi niya na ayaw niyang hawakan ang pananagutan kung paano sila pinalaki ang mga suspek ng kanilang mga magulang dahil "choice" pa rin umano ng mga suspek ang pumatay.

"I don't want to hold the accountability kung paano sila pinalaki ng mga magulang nila o naghiwalay 'yung magulang nila o kung gaano sila kahirap. It's their choice dahil diyan din po kami galing pero mas pinili namin maging masipag, matino at maging mabuting tao," saad ni Lovella.

"Perpetrators have tried to be schooled sa private school, mga anak ko nga public school since grade 1. Kaya huwag ninyong gawing rason 'yan para i-justify na okay lang," dagdag pa niya.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Sinabi rin ng ina na huwag gamitin ang kahirapan o pagkakaroon ng broken family para lang ma-abswelto sa mga maling bagay na nagawa. Marami umanong mahihirap at broken family ngunit mga mabubuting tao.

"Huwag ninyong gamitin ang KAHIRAPAN o BROKEN family o kung ano pang social problems ninyo para maabswelto kayo sa inyong kompromiso. Sana noon pa naituro na 'yan na mag ingat ka especially kung pobre na hindi ka maka damage ng ano mang bagay o tao kaya wala kang pambayad. Hindi mo puwedeng sabihin ay mahirap po kami SORRY. Marami rin namang mga labeled MAHIRAP o from BROKEN families na mabuting tao, may magandang puso at matitino," aniya.

Nag-iipon ngayon sina Lovella at Cruz Maguad ng lakas para sa gaganapin na Promulgation of judgment sa susunod na 30 araw.

"We would be losing the chance for the perpetrators to narrate their confessions over and over for the jury to realize that the ones who killed you ate and boyboy are not humans but monsters. I wish for them to see how these perpetrators grew, cared, and nurtured by the law to be the worst kind of human beings," ani Lovella.

Gayunman, kinuwestiyon muli ng nagluluksang ina ang batas na pumoprotekta umano sa mga menor de edad na suspek na pumatay sa kina Crizzlle Gwynn at Crizvlle Louis.

"Sana ang batas ang siyang agent paano kayo managot sa inyong kompromiso hindi para kayo maabswelto. Ang batas dapat ay pantay para sa lahat, bakit may TAWAD pa sa iba?" pasaring nito.

"Kayo na yung namerwisyo, sumira ng buhay ng iba, sumira ng mga pangarap ng iba KAYO pa ang bigyan ng pag-aaruga at proteksiyon? What the hell! I demand for the human law, the law of the land to reign for JUSTICE!" dagdag pa ni Lovella.

Kamakailan, binanggit din ni Mrs. Maguad na hindi nila makukuha ang sapat na hustisya para sa pagkamatay ng kanilang mga anak.

“I didn’t post anything after that because I was totally DEVASTATED, DISTURBED and TORTURED upon knowing that we’re not getting the maximum justice because she’s a minor,” aniya.

“‘Yan po ang juvenile law maliban sa walang provision sa mga victims who are also minors tatawaran pa ang justice ng 1 to 2 degree lower. Kasi bata daw… BATA po ba ang tawag nyo sa isang taong magaling magplano, pursigidong i-execute ang kanyang planong masama o pagpatay at magaling mag dramatize ng krimen na kanyang ginawa?” paglalahad ni Lovella.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/04/07/pinatay-na-maguad-siblings-hindi-makakamit-ang-sapat-na-hustisya-suspek-hindi-nagpakita-ng-pagsisisi/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/04/07/pinatay-na-maguad-siblings-hindi-makakamit-ang-sapat-na-hustisya-suspek-hindi-nagpakita-ng-pagsisisi/

Noong Disyembre 10, 2021 dakong alas-2:00 ng tanghali naganap ang krimen sa loob ng kanilang bahay. Kung saan walang awang pinatay ang magkapatid na Maguad.

Basahin:https://balita.net.ph/2021/12/16/dahil-sa-selos-at-inggit-pumatay-sa-maguad-siblings-adopted-daughter-ng-pamilya/" target="_blank">https://balita.net.ph/2021/12/16/dahil-sa-selos-at-inggit-pumatay-sa-maguad-siblings-adopted-daughter-ng-pamilya/

Samantala, humihingi ng panalangin ang Pamilya Maguad para sa ninanais nilang hustisya.