Nanatiling positibo at nagpasalamat pa ang singer na si Daryl Ong kahit pa nalagasan ito ng followers dahil sa hayagang pagsuporta sa tandem nila dating Senador Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at Davao City Mayor Inday Sara Duterte.

Sa isang Facebook post, sinabi ni Ong na nire-respeto nito ang desisyon ng mga nag-unfollow sa kanya at pinasalamatan na rin dahil naging parte sila ng buhay niya.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

"Sa mga nag u unfollow dahil sa pag post ko ng aking supporta sa UniTeam, salamat pa rin po sa inyong lahat. Naging part na rin po kayo ng journey ko. No matter what, nire-respeto ko po kayo," ani Ong.

Higit naman siyang nagpasalamat sa mga tulad niyang sumusuporta sa UniTeam at sa hatid nitong, aniya'y "pagkakaisa."

"Maraming salamat po sa mga sumusuporta, love you all! Basta good vibes lang tayo lahat! Let’s go UNITEAM!" Pagbati ni Ong sa mga kapwa nitong UniTeam supporters.

Dagdag pa niya, "pagpapakatotoo" lamang sa sarili ang ginawa ng mga nag-unfollow sa kanya.

Aniya, "Sa mga nag f-follow sakin maraming salamat, pinapatunayan niyo na talagang masarap maging totoo sa sarili dahil dun mo makikilala ang mga taong talagang sumusuporta sayo pag pinalaya mo ang sarili mo sa takot sa sasabihin ng ibang tao."

Inulan naman ng positibong komento ang post ni Ong mula sa UniTeam at personal supporters.