Mukhang may 'hugot' na naman ang sumikat na online seller at dating Pinoy Big Brother (PBB): Kumunity Season 10 celebrity housemate na si Daisy Lopez a.k.a. Madam Inutz tungkol sa usaping pag-ibig.

Ayon sa kaniyang latest Facebook post nitong Huwebes, Abril 21, lahat daw ay naghihiwalay na maliban sa dalawang bagay: ang boobey o dede!

"SA PANAHON NGAYON DEDE NA LANG ANG HINDI NAGHIHIWALAY! SILA LANG TALAGA ANG ME FOREVER. Madam Inutz RATRAT AT BACK TO WORK NA!! OOOOW… JIIIIIEVA," pahayag ni Madam Inutz kalakip ang litrato niya na may pasilip sa kaniyang naghuhumiyaw na boobelya.

Relasyon at Hiwalayan

Nico Locco, final na raw ang pakikipaghiwalay kay Christine Bermas

Tumugon naman dito ang talent manager na si Wilbert Tolentino at ang 'kapatid' o kasamahan sa talent management na si Herlene 'Hipon Girl'

Sa isa pang FB post, tila naghahanap pala ng bagong jowa ang lagaring si 'Mama Benta ng Cavite'.

"NG MADAM N'YO NAGHAHANAP NG JOWA!!" aniya.

"WANTED BOYFRIEND NI MADAM INUTZ 37y/o YUNG SERYOSO KAHIT WALANG TRABAHO. QUALIFICATION: YUNG TAPAT WALANG BISYO KUNG DI MAHALIN LANG AKO NG TOTOO, PLUS POINT KUNG DI BABAERO DIBALENG JUTZZ BASTA (MAGALING) SA PERFORMANCE, DAPAT FLEXIBLE YUNG KAYA KONG IBALIBAG!! YOKO NG KUMARENG NGALING AHHH,, TAPAT KA LANG SAPAT NA PASOK KANA SA BANGA!!" pabirong saad nito.

"REQUIREMENTS: NBI CLEARANCE, BARANGAY CLEARANCE, or POLICE CLEARANCE MAKE SURE MO DI KA ADIK HINAYUPAK KA!!!"

"WALANG PROBLEMA SA SAHOD BASTA MAGALING KA!"

Kaya raw naghahanap ng makakasama sa buhay si Madam Inutz dahil nagsasawa na siyang mag-isa. At take not, may referral fee na ₱2K at special shoutout para sa mapalad na taong makakapag-reto sa kaniya ng jowa. Oh jiva?

Sa ngayon ay todo-arangkada ang career ni Madam Inutz na kasama sa cast members ng sweetcom na 'My Papa Pi' sa ABS-CBN.