Pinatutunayan ng May 2022 polls ang paggawa nito ng kasaysayan na kapansin-pansin sa unang turnout ng mga boto sa ibang bansa, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Inaasahan ng poll body ang mas mataas na overseas voter turnout sa May 2022 polls kaysa sa 2016, 2019 elections, sinabi ni Commissioner Marlon Casquejo sa isang panayam sa telebisyon sa ABS-CBN News Channel noong Huwebes, Abril 21.

“Our overseas voting right now is very much interesting because you know in the first day there are so many overseas voters who wanted to vote. So we are expecting a much higher voting turnout as compared in 2016 and 2019 elections,” aniya.

Ayon kay Casquejo na kasalukuyang namumuno sa Office of Overseas Voting ng Comelec, sa mga nakaraang halalan, ang poll body ay nakapagtala lamang ng humigit-kumulang 20 o mas mababa pa sa 20 porsiyento ng overseas voting turnout.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa pagkakataong ito, ibinunyag niya na sa ilang bansa tulad sa Hong Kong ay humigit-kumulang 30 porsiyento ang nakaboto na habang sa iba naman, nag-ulat sila ng 20 porsiyentong voter turnout.

“For this early time of period of voting we have already reached our target which is more than 30 percent so we are expecting a higher voting turnout,” ani Casquejo.

Iniuugnay niya ang pagpapahusay na ito sa mga pamamaraan ng pagboto na kanilang ipinakilala na konsepto ng pagboto kahit saan at field voting.

Ipinaliwanag ni Casquejo na sa field voting, ang konsulado ng bansa ay pupunta sa lugar kung saan naninirahan ang mga botante sa ibang bansa. Binanggit niya na may mga isyu noon na inihapag kaugnay sa distansya ng embahada at kung saan nakatira ang mga Filipino citizen.

Ang ilan sa kanila, ani Casquejo, ay kailangang bumiyahe ng dalawa hanggang tatlong oras.

“So what we did is the consul and the embassy together with the Special Board of Election Inspectors (SBEI) will go to that area and then conduct the voting,” dagdag niya.

Sa kabilang banda, ang konseptong "vote everywhere" ay nagpapahintulot sa isang botante na nakarehistro sa ibang bansa na bumoto sa bansa kung saan siya kasalukuyang naroroon sa panahon ng pagboto.

Samantala, sinabi ni Comelec Commissioner George Erwin Garcia na naging mapayapa sa pangkalahatan ang pagboto sa ibang bansa.

“May alingasngas, fake news pala, di pala totoo,” aniya.

Ipinahayag din nito na ito ang unang pagkakataon na tumaas ang bilang ng mga botante sa ibang bansa at umaasa silang tataas pa ito kung mas maraming botante ang pumipila sa mga embahada at konsulado.

Dhel Nazario