Ang Commission on Elections (Comelec) ay magtatatag ng makeshift voting centers sa Mayo 2022 elections.

Ito ay dahil ilang voting centers sa bansa ang napinsala ng Bagyong Agaton.

Sinabi ni Comelec Executive Director Bartolome J. Sinocruz, Jr. na ang makeshift voting centers ay gagamit ng mga materyales na gawa sa kahoy dahil pansamantala lang ito.

“These are temporary in nature. We will just approximate the size of polling rooms enough to accommodate the number of voters,” aniya sa paglagda ng kanilang memorandum of agreement (MOA) sa Commission on Higher Education (CHED) sa Maynila noong Huwebes, Abril 21.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Gayunman, hindi sinabi ni Sinocruz ang lugar o ang bilang ng mga voting center na nasira.

Tiniyak naman niya na ang mga election paraphernalia na gagamitin sa mga apektadong polling precinct ay hindi nasira.

Para naman sa mga voting machine, consolidation at canvassing system, at BGAN, sabi ni Sinocruz, hindi ito nasira ni “Agaton.”

Paliwanag niya, nasa transit o port pa ang nasabing mga election paraphernalia noong mga panahong iyon.

Leslie Ann Aquino