Hindi malilimutan ni Kapamilya actress Kim Chiu ang pagdiriwang ng kaniyang 32nd birthday noong Abril 19, dahil isa sa mga nagpa-espesyal dito ay ang birthday greetings sa kaniya ni presidential candidate at Vice President Leni Robredo.

Sa kaniyang Instagram post noong Abril 19, walang pagsidlan ang tuwa ni Kimmy dahil sa magagandang mga salitang sinabi sa kaniya ni VP Leni; inamin nitong faney na faney daw ito sa kaniya.

View this post on Instagram

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

"Kim, Happy, Happy Birthday. Magkasunod pala birthday natin. But I want to wish you a very happy birthday. Ah, I know you're in a good place now, follower mo ako sa YouTube channel mo," pahayag ni VP Leni.

Isang inspirasyon daw ang buhay ni Kim Chiu dahil isa siyang mabuting ehemplo ng isang tao na nagawa pa ring makatayo at maipagpatuloy ang buhay, kahit na binira ng mga kontrobersiya ang buhay.

"OMG!!!!!! Literally I am crying right now!!!!!! Nakakaiyak na ang isang tao na alam ko na maraming ginagawa araw-araw, doing everything for the people as a Vice President of our country and a soon to be PRESIDENT. Rally dito, rally doon. Debate dito, debate doon. Motorcade, house to house. Personal duties as a mother at marami pang iba," wika ni Kim.

"Grabe saludo po ako sa inyo Ma'am and watching this video made my heart melt. Salamat po for seeing me, for sending this video, napaka-personal po ng message ninyo. Maraming-maraming salamat po. Truly made my birthday complete, didn't expect this pero maraming salamat po."

Bukod sa pasasalamat dahil sa birthday video, pinasalamatan din ni Kim ang pangalawang pangulo sa pagbibigay umano ng buhay para sa bayan sa pamamagitan ng pagkandidato nito sa pagkapangulo. Opisyal na idineklara ni Kimmy na isa siyang certified Kakampink.

"SALAMAT DIN PO SA LABAN NA BINIBIGAY NINYO PARA SA ATING BAYAN. Makakaasa po kayo KASAMA N'YO PO AKO SA LABAN NA ITO. LABAN PARA SA ISANG GOBYERNONG TAPAT, ANGAT BUHAY ANG LAHAT."

"Matagal na naming hinihiling at inaasam ang isang TAPAT na pamahalaan, na nakaupo para sa mga tao at hindi para sa sarili. I am here behind you alongside with all the Filipinos who are hungry for HONEST AND GOOD GOVERNANCE."

"I am looking forward for a better, brighter, kulay rosas na bukas para sa buong PILIPINAS with you as our PRESIDENT, Maria Leonor 'Leni' Gerona Robredo," aniya.

"Special thank you to @bigbadbawang and the staff of VP @bise_leni for sending this video at sa mga rosas na binigay ninyo maraming-maraming salamat po. Ako si KIM CHIU #KakamPINK ninyo. Advance HAPPY BIRTHDAY PO VP LENI," pagbati rin ni Kim Chiu kay VP Leni.

Marami naman sa mga netizen ang napa-react sa 'I know you're in a good place now' na sinabi ni VP Leni, na ayon sa mga netizen ay kadalasang ginagamit kapag namatay na.

Paglilinaw naman ng iba pa, walang mali sa sinabi ni VP Leni. Dapat daw, ito ay "I know you're in a good place in your life right now" subalit ang ginamit umano ni VP Leni ay maituturing na 'conversational sentence structure'. Kung isasalin umano ito sa wikang Filipino, ito ay "Alam kong nasa mabuti kang kalagayan ngayon."

Samantala, ang pangungusap naman na tumutukoy sa pagyao o pagpanaw ay 'better place'.