Usap-usapan ngayon ang video clip ng pagbibiro ni presidential candidate at Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso, na ireregalo niya sa mga miyembro ng LGBT community ang kaniyang anak na si Kapuso actor Joaquin Domagoso, sa isa sa mga naging campaign rally niya.

“Sa ating mga LGBT, mamaya iregalo ko sa inyo si Joaquin, libre ang booking,” pagbibiro ni Yorme. Maririnig naman ang tinilan sa audience, lalo na nang lumapit si Joaquin at game na tila ba palundag sa kanila.

https://twitter.com/mcFury613/status/1516097472879525888?ref_src=twsrc%5Etfw%7Ctwcamp%5Etweetembed%7Ctwterm%5E1516097472879525888%7Ctwgr%5E%7Ctwcon%5Es1_&ref_url=https%3A%2F%2Ftnt.abante.com.ph%2Finalok-si-joaquin-sa-mga-beki-netizens-badtrip-kay-isko1%2F

Sa kabilang banda, halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizen tungkol dito.

"Wow, bet! Amin na si Joaquin, lapain namin!"

"Really Isko?? Kahit koke 'yan… be sensitive because literally offended ako bilang miyembro ng LGBTQIA+ community dahil ang labas ng biro parang deprived kasi sa lalaki which is not because I’m confident na mayroon kaming self-control and integrity sa aming mga desisyon."

"I think biro lang naman 'yan, huwag n'yo nang masyadong palakihin at dibdibin. Naghiyawan naman ang audience 'di ba, saka hindi naman tinotoo. Even Joaquin ay naki-ride on na rin at mukhang hindi naman na-offend."

“It’s a crude joke but not surprising coming from him. As Mayor Isko Moreno said of himself, 'batang kalye', once in a while the crudity will surface, an honest assessment of himself. It’s cringe worthy."

"Laking kalye si Yorme, ibig sabihin, alam niya ang kadalasang street jokes at hindi naman siguro nakaka-offend… hindi naman niya nilait ang LGBTQIA+ community. 'Wag naman pong masyadong sensitive."

“Sobrang harmful ng take even if it’s just a joke. so many issues surfaced once he said this statement; 1 being is that he thinks the LGBT community is sex-starved and would just take what's in front of them, 2. he's literally pimping his son, treated him as an object? sahol mo, Isko."

Samantala, wala pang tugon, reaksyon, o pahayag dito sina Yorme Isko o si Joaquin.