Tinawag na 'BBS' o 'Bilib na Bilib sa Sarili' ni presidential candidate at Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso ang kampo ng katunggaling si Vice President Leni Robredo, nang hamunin niya itong pasinungalingan ang mga akusasyon niyang pinaaatras sila nina Senator Ping Lacson at dating kalihim ng National Defense na si Norberto Gonzales, ngayong Miyerkules, Abril 20, 2022.

"Kasi puro BBS eh, Bilib na Bilib sa Sarili. Now I challenge, this is on record, again, huwag na kayo mag-speculate, huwag na kayong mag-spill, diretsahan… Madam Vice President Leni Robredo… totoo ba? Totoo ba?" pahayag ni Yorme Isko sa panayam ng media.

Muli na namang nagpakawala ng patutsada laban kay VP Leni hinggil sa isyu ng pagpapaatras umano sa kanila bilang kandidato sa pagkapangulo, bagay na isiniwalat nila sa naganap na 'Unity joint press conference' noong Easter Sunday, Abril 17, 2022.

"I challenge the honorable Vice President Leni Robredo, deny. Deny n'yo na hindi n'yo kami pinaatras, na hindi n'yo pinaatras si Norberto Gonzales, hindi n'yo pinaatras si Senator Ping," pahayag ng alkalde ng Maynila sa isang panayam ngayong Abril 20, 2022.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"Kayo lang ba ang may karapatan tumakbo? Kayo lang ba ang may karapatang maging kandidato sa pagkapangulo? Kayo lang ba ang magaling?"

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/20/yorme-isko-kay-vp-leni-deny-nyo-na-hindi-nyo-kami-pinaatras-kayo-lang-ba-magaling/">https://balita.net.ph/2022/04/20/yorme-isko-kay-vp-leni-deny-nyo-na-hindi-nyo-kami-pinaatras-kayo-lang-ba-magaling/

Noong Linggo rin ay naging trending ang hashtag na #WithdrawLeni. Maging anak na Kapuso teen actor na si Joaquin Domagoso ay nakiisa na rin sa panawagang ito.

Sinabihan din nito ang spokesperson ni VP Leni na si Atty. Barry Gutierrez na tumabi na sa gilid at hayaang magsalita ang pangalawang pangulo.

“Barry tabi ka na sa gedli (gilid). Pasalitain mo amo mo. O baka hindi niya mabasa, kailangan niya teleprompter,” patutsada ng alkalde.

Samantala, sa kaniyang Twitter, kaagad na sumagot naman si Atty. Gutierrez. Isang simpleng 'K' o maigsing 'Okay' ang tugon niya.

https://twitter.com/barrygutierrez3/status/1516618545408667651