Muli na namang nagpakawala ng patutsada laban kay presidential candidate at Vice President Leni Robredo ang katunggaling si Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso hinggil sa isyu ng pagpapaatras umano sa kanila bilang kandidato sa pagkapangulo, bagay na isiniwalat nila sa naganap na 'Unity joint press conference' noong Easter Sunday, Abril 17, 2022.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/19/mayor-isko-hiningi-niyo-sa-amin-ang-withdrawal-hihingin-din-namin-sa-inyo-fair-lang/">https://balita.net.ph/2022/04/19/mayor-isko-hiningi-niyo-sa-amin-ang-withdrawal-hihingin-din-namin-sa-inyo-fair-lang/

Hinimok ni Yorme Isko na magsalita na si VP Leni at personal na pasinungalingan ang mga alegasyong ibinabato sa kaniya.

"I challenge the honorable Vice President Leni Robredo, deny. Deny n'yo na hindi n'yo kami pinaatras, na hindi n'yo pinaatras si Norberto Gonzales, hindi n'yo pinaatras si Senator Ping," pahayag ng alkalde ng Maynila sa isang panayam ngayong Abril 20, 2022.

National

4.7-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

"Kayo lang ba ang may karapatan tumakbo? Kayo lang ba ang may karapatang maging kandidato sa pagkapangulo? Kayo lang ba ang magaling?"

"Kasi puro BBS eh, Bilib na Bilib sa Sarili. Now I challenge, this is on record, again, huwag na kayo mag-speculate, huwag na kayong mag-spill, diretsahan… Madam Vice President Leni Robredo… totoo ba? Totoo ba?" giit ni Yorme.

Sinabihan din nito ang spokesperson ni VP Leni na si Atty. Barry Gutierrez na tumabi na sa gilid at hayaang magsalita ang pangalawang pangulo.

"Barry tabi ka na sa gedli (gilid). Pasalitain mo amo mo. O baka hindi niya mabasa, kailangan niya teleprompter," patutsada ng alkalde.