Matapos ang apat na taong pamamahinga ay nagbalik sa kanyang first love si Kapuso actress Ashley Ortega – ang pagtatanghal bilang isang professional figure skater.
Pinahanga at ginulat ni Ashley ang mga tagahanga at netizens sa ipinamalas nitong performance sa Special Easter Show sa SM Megamall noong linggo, Abril 17.
Saliw ang kanta na “Thousand Years” ni Christina Perri, graceful na binigyan ng interpretasyon ni Ashley sa kanyang performance ang awitin.
Matapos ibahagi sa parehong Instagram at Facebook account ay daan-daang libu na itong napanuod ng netizens.
Inulan naman ng paghanga ang comment section ng performance ng aktres.
“Wow so talented. Acting and skating, I'm really impressed.”
“Wow you're so talented Ashley.. very good also in acting.. you're one of my favorites..”
“I’m always enchanted by pretty figure skaters. It's amazing how a young girl can be very good both in skating and acting. I'm watching Widows' Web.”
“I could only wish for more people to appreciate figure skating as a sportsending love to Ashley Ortega.”
“Figure Skaters always caught my attention. Goosebumps every time I watched them perform.”
Hindi naman makapaniwala sa pagtatanghal ng aktres ang ilang netizens na maaaring ngayon lang nakita si Ashley sa rink.
Bago pa pasukin ang showbiz, ilang gintong medalya na ang nasungkit ng dalaga sa kabi-kabilang figure skating competition sa labas ng bansa.
"Sa Malaysia, nakauwi po ako ng eight gold medals, dalawang silver saka isang bronze. Ako po 'yung Filipina na pinakamaraming nauwing gold medals,"pagbabahagi ni Ashley sa isang panayam prohgramang "Tunay na Buhay."
"Actually ang skating kasi is a very expensive sport kasi kailangan talagang hindi lang isa [ang] coach mo. Kailangan four or five coaches and then sometimes you have to train sa ibang country para mas advance. Kasi dito sa Philippines, dalawa lang ang skating rink natin dito. So kailangang mas advance and kailangan 'yung even the gears, 'yung skate shoes mahal," aniya.
Noong 2018, nasungkit ni Ashley ang tatlong gintong medalya sa tatlong magkakaibang kategorya naging delagada siya sa Summer Skate 2018.
Kasalukuyang bida sa Kapuso seryeng “Widow’s Web” si Ashley.