Tumugon na ang spokesperson ni Vice President Leni Robredo na si Atty Barry. Gutierrez sa panibagong hamon ni presidential candidate at Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso na aminin ng pangalawang pangulo ang mga akusasyong ibinabato sa kaniya, na nagsimula pa noong Easter Sunday, Abril 17, sa naganap na 'Unity joint press conference sa Manila Pen.
Kasama sa naganap na joint press con sina Senador Panfilo Lacson, Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, at dating Defense Secretary Norberto Gonzales, Doc Willie Ong, at Senate President Tito Sotto III. Hindi naman nakadalo rito si Senador Manny Pacquiao.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/17/panawagan-kay-vp-leni-now-were-calling-be-a-hero-withdraw-leni/">https://balita.net.ph/2022/04/17/panawagan-kay-vp-leni-now-were-calling-be-a-hero-withdraw-leni/
Bago magsimula ang nasabing press conference, binasa ni Mayor Isko ang kanilang joint statement.
“Higit pa man sa resulta ng isang halalan, mas pinaiiral natin ang kalayaan ng ating taumbayan na pumili ng kanilang magiging lider,” ani Mayor Isko habang binabasa ang statement.
“Nais naming makadaupang-palad ang ating mga kababayan, alinsunod sa kagustuhan nilang mas lalo pa kaming makilala bilang mga kandidato. Sa halip na kami ay malayo sa kanila sa pamamagitan ng prosesong pang electoral, magkaroon ng pagkakaisa tungo sa pagnanais na kung ano ang kahihinatnan ng ating bansa.
“Kasama kami sa kagustuhan ng ating mga kababayan na magkaroon isang diwa ng pagsasama-sama na mananaig sa umiiral na bangayan at personal na misyon upang yakapin ang pagkakaisa para sa ikabubuti ng lahat na hindi lamang mga kataga o bukambibig ang politika.
“Kami ngayon ay nangangako, una, maninilbihan sa pamahalaan na kung sinuman ang mapipili sa amin ng ating taumbayan na magiging susunod na pangulo at kami ay magsasanib-pwersa ang anumang pagtatangka na baluktutin ang totoong pagpapasya ng taumbayan sa pamamagitan ng paggalaw ng hindi kanais-nais o ‘di kaya paglilimita sa malayang pagpili ng ating mga kababayan.”
Binigyang-diin ni Domagoso na hinding-hindi sila magbibitiw sa kanilang kandidatura.
“At higit sa lahat, hinding-hindi kami magbibitiw sa kampanya. Ang Bawat isa sa amin ay magpapatuloy sa aming sariling kandidatura upang maging karapat-dapat na piliin ng sambayanang Pilipino,” aniya.
Nilagdaan ito nina Lacson, Pacquiao, Domagoso, at Gonzales. Gayunman, wala pa si Pacquiao sa presscon.
Samantala, nanawagan din si Yorme Isko na mag-withdraw na sa laban si Vice President Leni Robredo at lumutang ang hashtags na "#WithdrawLeni," at "SwitchToIsko". Hindi raw dapat pagkatiwalaan si VP Leni dahil nauna na nitong sinabi na hindi ito tatakbo, subalit kinain umano nito ang mga sinabi.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/17/mayor-isko-i-am-calling-for-leni-to-withdraw-whatever-you-are-doing-is-not-effective-against-marcos/">https://balita.net.ph/2022/04/17/mayor-isko-i-am-calling-for-leni-to-withdraw-whatever-you-are-doing-is-not-effective-against-marcos/
Lumikha ng ingay ang naturang joint presscon sa social media. Sinabi pa nina Lacson at Gonzales na si Yorme Isko lamang ang nagpapa-withdraw kay Robredo.
Ngayong Abril 20, muling nagsalita si Yorme Isko at direktang hinamon si VP Leni na magsalita at pabulaanan nang personal ang mga alegasyong ibinabato sa kaniya.
May mensahe rin siya sa spokesperson na si Atty. Barry.
“Barry tabi ka na sa gedli (gilid). Pasalitain mo amo mo. O baka hindi niya mabasa, kailangan niya teleprompter,” patutsada ng alkalde.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/20/yorme-isko-kay-vp-leni-deny-nyo-na-hindi-nyo-kami-pinaatras-kayo-lang-ba-magaling/">https://balita.net.ph/2022/04/20/yorme-isko-kay-vp-leni-deny-nyo-na-hindi-nyo-kami-pinaatras-kayo-lang-ba-magaling/
Tinawag din niyang 'BBS' o 'Bilib na Bilib sa Sarili' ang kampo nina VP Leni.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/20/yorme-isko-tinawag-na-bbs-ang-kampo-ni-vp-leni-bilib-na-bilib-sa-sarili/">https://balita.net.ph/2022/04/20/yorme-isko-tinawag-na-bbs-ang-kampo-ni-vp-leni-bilib-na-bilib-sa-sarili/
Samantala, sa kaniyang Twitter, kaagad na sumagot naman si Atty. Gutierrez. Isang simpleng 'K' o maigsing 'Okay' ang tugon niya.
Bago nito, nauna na siyang nagbigay ng opisyal na pahayag laban sa mga akusasyong lumabas sa mismong araw ng Easter Sunday, pagkatapos ng joint press con.
"We are thankful that the alignments have been made even clearer. And we remain focused on showing our people that a Robredo presidency will mean victory for all Filipinos," saad ni Atty Barry kalakip ang opisyal na pahayag na nakasalin pa sa wikang Filipino.
Sa isa pang tweet kung saan ibinahagi niya ang art card na ginawa ng 'Youth Vote for Leni', "Sa harap ng ngawngaw at kasinungalingan, chill lang tayo. Focus. Tuloy ang pagkilos. Ipapanalo natin ito."
Samantala, wala pang tugon si VP Leni hinggil sa mga bagong tirada ni Yorme Isko.