May makahulugang pahayag ang aktor na si Romnick Sarmenta kay Manila Mayor Isko Moreno matapos ang sunod-sunod na tirada ng alkalde laban kay Presidential candidate at Vice President Leni Robredo.

Dahil sa mga pinakawalang hamon ng alkalde laban sa tanging babaeng kandidato sa pagkapangulo kabilang ang pag-atras ni Robredo sa halalan, tila nabigo ang kapwa “That’s Entertainment” star na si Romnick sa dating aktor.

“Kaibigan ang turing ko sa iyo. Ikinampanya kita noon, sa mas mababang posisyon dahil naniniwala ako sa mga pinaninindigan mo dati,” ani Romnick sa isang makahulugang tweet noong Martes.

Anang aktor, ang mga nasabi niya noon ay dala lang ng kanyang pagmamalakasakit sa alkalde kaya’t tatanggapin nito kung magagalit o magtatampo ito sa kanya.

Musika at Kanta

Regine, nakatanggap ng apology letter matapos maetsa-pwera sa billing ng MYX Global

“Sana’y mag-isip ka. ‘Di pa huli,” pagwawakas ni Romnick sa tweet.

https://twitter.com/Relampago1972/status/1516319796551651333

Ngayong Miyerkules, Abril 20 hindi pa natigil ang mga patutsada ni Isko sa kampo ni Robredo at pinanindigan nito ang aniya’y pag-alok ng kampo ng bise-presidente na umatras na sa halalan ang alkalde.

Unang hinapag ni Isko ang hamon kay Robredo sa ginanap na joint press conference sa Manila Peninsula noong Linggo, Abril 17.

Basahin: Yorme Isko kay VP Leni: “Deny n’yo na hindi n’yo kami pinaatras, kayo lang ba magaling?” – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Samantala, malinaw na mababasa sa kanyang serye ng tweets ang pagsuporta niya sa tandem ni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan ngayong eleksyon.

Kaugnay na balita: Yorme Isko, tinawag na ‘BBS’ ang kampo ni VP Leni: “Bilib na Bilib sa Sarili” – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Matapos pumutok ang naunang naging pahayag kay Isko, kinumpirma ng aktor sa pamamagitan ng hiwalay na tweet na siya ang may hawak ng naturang Twitter account.

https://twitter.com/Relampago1972/status/1516656863093596162

Pinasalamatan din nito ang kapwa Kakampinks at hinikayat ang lahat na iwasan ang “hateful speech” and “disrespectful comments” sa social media na nagbubulgar sa pagkatao ng isang indibidwal.

https://twitter.com/Relampago1972/status/1516686401865412613