Tumugon si senatorial candidate at Atty. Salvador 'Sal' Panelo sa hiling ng kapwa kandidato sa pagkasenador na si Robin Padilla na magkaroon sila ng sanib-puwersa ni Megastar Sharon Cuneta para sa isang concert, na alay sa 'children with special needs'.
Sa kaniyang Facebook post noong Abril 18, nanawagan si Robin kay Vic Del Rosario, may-ari ng Viva Records at Viva Films, kung posible kayang maisakatuparan ito. Noong Easter Sunday, Abril 17, lumabas na ang official music video ng version ni Panelo ng naturang awitin, na mapapanood sa YouTube channel nito.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/20/hiling-ni-robin-isang-sharon-cuneta-salvador-panelo-concert-para-sa-children-with-special-needs/">https://balita.net.ph/2022/04/20/hiling-ni-robin-isang-sharon-cuneta-salvador-panelo-concert-para-sa-children-with-special-needs/
"Ano kaya tatay boss Vic ng Viva Films, isang concert sa pagitan ni kambal mam Sharon Cuneta Pangilinan at ni sir sec Salvador 'Sal Panalo' Panelo para sa mga special children at maging hudyat na kilusan ng mga senador at magiging senador na makagawa ng panukalang batas para sa kapakanan ng mga batang may special needs," saad ni Robin sa kaniyang FB post.
Sa comment section, tumugon naman si Sal Panelo at game siya sa ideyang ito.
"Game ako d'yan Senator Robin! Maraming salamat sa suporta mo!" komento ni Panelo.
Tumugon naman dito si Robin, "Salvador "Sal Panalo” Panelo Ikaw po ang senador ko po."
Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/29/sanay-wala-nang-wakas-kinanta-nirecord-ni-panelo-sa-tulong-ng-viva-records-ano-kayang-sey-ni-mega/">https://balita.net.ph/2022/03/29/sanay-wala-nang-wakas-kinanta-nirecord-ni-panelo-sa-tulong-ng-viva-records-ano-kayang-sey-ni-mega/
Umani naman ito ng iba't ibang reaksyon at komento mula sa mga netizen.
"Bad idea idol. 100% siguradong walang maidadagdag sa boto mo kundi baka makabawas pa sa inyo."
"It's not gonna work… Pls don't do it! Thanks!"
"Why not? Kung papayag si Mega."
"Pwede 'yan, PERO pagkatapos na nang election para walang halong pamumulitika, talagang para sa mga batang may special needs."
"Hindi po lahat ng panukala n'yo gusto ng marami, 'wag mo isipin na kaya mo lahat gawan nang paraan Robin. Huwag mo na balakin baka maka-turn off na sa iba."
Samantala, wala pang tugon o reaksyon dito sina Megastar at Boss Vic.
Naging maganda naman ang feedback ng mga tao sa rendition ni Panelo sa 'Sana'y Wala Nang Wakas' na nagdulot ng isyu sa kanilang dalawa.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/10/megastar-gigil-kay-panelo-sa-pagkanta-nito-sa-kaniyang-iconic-song-sa-isang-event/">https://balita.net.ph/2022/03/10/megastar-gigil-kay-panelo-sa-pagkanta-nito-sa-kaniyang-iconic-song-sa-isang-event/