Pinag-aaralan na ng gobyerno na suspendihin ang isasagawang overseas voting sa Afghanistan at Ukraine dahil sa patuloy na digmaan, ayon sa pahayag ng Commission on Elections (Comelec) nitong Miyerkules.

Sa pagdinig sa Kamara, binigyang-diin ni Comelec Director Sinoa Bea Wee-Lozada na isinasagawa pa rin ang mandatory repatriation sa mga rehistradong botante sa dalawang bansa.

“There are two other countries that we likewise have pending reports from the DFA that we need also to declare possible suspension or even failure of elections in those two countries, specifically Afghanistan due to the mandatory repatriation,” pahayag ni Wee-Lozada.

Sa datos ng Comelec, kabuuang 1,697,090 na ang rehistradong Pinoy sa ibang bansa, kabilang na ang 27 sa Afghanistan at 15 sa Ukraine.

National

Sen. Risa, ipinagkatiwala na si Guo sa korte: ‘I look forward to the day you face justice!’

Matatandaangsinuspinde muna ng Comelec ang overseas voting sa Shanghai, China matapos magpatupadnglockdown bunsod ng pagtaas ng bilang ng kaso ngcoronavirus disease (Covid-19).

Sinuspinde na aniya ng ahensya ang overseas voting sa mga mapanganib na bansa, kabilang na angAlgeria, Chad, Tunisia, Libya, at Iraq.

Sinimulan na ang overseas voting noong Abril 19 at matatapos sa Mayo 9.